Sa OceanaGold, nais naming maging ligtas ang aming mga tauhan at mga stakeholder sa pagpapahayag ng kanilang saloobin. Kung may ikinababahala ka tungkol sa posibleng maling gawa, maaari kang magsalita sa loob ng kumpanya o maaari mong gamitin ang hotline na ito

01.

Para sa mas maliliit na isyu, kadalasan ay pinakamadaling sabihin ang iyong ikinababahala nang direkta sa indibidwal na kinasasangkutan nito

Kung hindi ka kumportable na gawin iyon o mas seryoso ang usapin, maaari mo itong isumbong sa:

  • Ang iyong superbisor
  • Ang superbisor/boss ng iyong superbisor

02.

Kung mayroon kang ikinababahala tungkol sa posibleng maling gawa maaari kang makipag-ugnayan sa:

  • Isang tao sa People and Culture team
  • Isang tao sa Legal team
  • Isang Whistleblowing Protection Officer
  • Ang Business Integrity team
  • Isang miyembro ng Executive Leadership Team

03.

Maaari ka ring magbahagi tungkol sa ikinababahalang posibleng maling gawa sa anumang oras sa pamamagitan ng kumpidensyal at independiyenteng serbisyong ito ni Safecall. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng telepono o online, at maaari mong piliing mag-bahagi nang hindi nagpapakilala.

PAANO AKO MAGSUMBONG?

MAG-SUMBONG NG ALALA SA TELEPONO

Maaari kang magsumbong sa pamamagitan ng telepono anumang oras sa napili mong wika. Ang mga tagapangasiwa ng tawag sa Safecall ay bihasa sa pakikipag-usap sa mga tao, mula sa lahat ng antas ng pamumuhay, kadalasan sa mahirap at emosyonal na mga kalagayan. Bibigyan ka nila ng oras at espasyo upang  ibahagi ang mahalagang impormasyon sa sarili mong mga salita. Mangyaring gamitin ang mga sumusunod na numero ng telepono depende sa iyong na numero ng telepono depende sa iyong lokasyon –

  • Australia +61 2 9158 3205
  • New Zealand +64 9 871 5103
  • Philippines +63 28 231 2227
  • Singapore +65 8004 922689
  • United States and Canada +1 888 540 8936
  • Para sa lahat ng iba pang mga bansa mangyaring bisitahin ang aming pahina ng mga pandaigdigang numero ng telepono